37 Abu na ang napapatay

MANILA, Philippines – Umabot na sa 37 miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang napapatay habang 80 ang nasugatan sa combat mission ng tropa ng militar.

Bukod sa napatay ay sinabi ni Lt. Col. Harold Cabunoc, Chief ng AFP Public Affairs Office, nasa 18 mga armas din ng mga bandido ang kanilang nasamsam at limang kampo naman ang nakubkob.

Ang combat mission ay nag-umpisa noong Enero ng taong kasalukuyan na nagpapatuloy alinsunod sa direktiba ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr., upang tuldukan na ang terorismo na inihahasik ng mga bandido.

Inihayag ng opisyal  na ang nasabing bilang ay higit na malaki kumpara noong kabuuan ng taong 2014 kung saan 27 bandido ang napaslang sa military operation at 38 naman ang nasugatan.

Show comments