73 BIFF na ang napapatay

MANILA, Philippines - Sa patuloy na all out defensive ng tropa ng militar ay nasa 73 mi­yembro ng  Bangsamoro Islamic Freedom Figh­ters (BIFF) ang napapatay kabilang ang isang hinihinalang dayuhang kasapi ng Jemaah Islamiyah at nasa 33 ang nasusugatan.

Ayon kay Lt. Col. Harold Cabunoc, Chief ng AFP Public Affairs Office na kabilang sa  mga nasawi ay ang pinsan ni BIFF founder Ameril Umbra Kato.

Ang all out offensive laban sa BIFF ay ini­lunsad noong Pebrero 21 alinsunod sa ipinalabas na kautusan ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr.

Sa panig ng AFP  ay apat na sundalo ang nasawi kabilang si Lt. Drommel Awman  habang 29 naman ang nasugatan.

 Si Awman at tatlo pa nitong kasamahang sundalo ay napatay sa bakbakan sa BIFF re­bels  kamakalawa sa Brgy. Muslim, Guindulungan, Maguindanao.

 

Show comments