Mag-amang Binay, wala pang kaso sa Sandigan

MANILA, Philippines – Nililihis umano ng kalaban sa pulitika nina Vice President Jejomar at Makati Mayor Junjun Binay ang Office of the Ombudsman sa pagsasabing sinampahan na ang mag-ama ng kaso gayung wala pang kaso na naisampa sa Sandigan.

Ito ang sinabi ni Joey Salgado, hepe ng Office of the Vice President Media Affairs gayung ang gagawin pa lamang ng Ombudsman special panel ay mag-uumpisa pa lang ng preliminary investigation sa alegasyon.

Ang ibig sabihin ay lahat ng nagsasampa ng kaso ay mag-submit ng kanilang formal comments na walang pagkakaiba sa preliminary investigation na ginagawa ng fiscal’s office.

Sinabi naman ni VP presidential spokesman, Atty. Rico Quicho na wala pa silang natatanggap na kopya ng rekomendasyon ng special panel ng  Ombudsman na  anumang kaso laban kina VP Binay at anak nito na si Mayor Junjun tungkol sa isyu ng “overpriced na Makati City Hall Building 2.

Malaki ang paniwala ni Quicho na walang basehan ang isasampang kaso at naniniwala sila na ito ay maibabasura lamang.

Magugunita na ang special panel of investigators ng Office of the Ombudsman ay nagsampa ng kasong graft and corruption laban sa mag-amang Binay at 22 iba.

Show comments