2 dalaga tinarakan sa leeg ng 4 holdaper

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang dalawang dalaga nang ito ay pagtulungang saksakin ng apat na kalalakihan na miyembro ng robbery/hold-up gang kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Princess Dela Cruz, 19 at Maryrose Junio, 18, kapwa naninirahan sa Bagong Silang ng lungsod.

Ang mga suspek na pinaghahanap ng pulisya ay nakilalang sina Bimbo Badiola; Arthur Badiola at dalawa pa na kinilala lamang sa “alyas  Bibe” at “alias Along” na mga mi­yembro ng Panoy Robbery-Hold-up Gang.

Sa imbestigasyon ni PO3 Gomer Mappala, ng Caloocan City Police, naganap dakong alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng Phase 2, Package 1, Block 16, Bagong Silang ay kasalukuyang naglalakad pauwi ang dalawang biktima nang bigla na lamang itong harangin ng mga suspek na matagal nang may galit sa dalawang dalaga.

Agad na sinaksak ang dalawang  biktima sa leeg at dibdib at nang matiyak na hindi na mabubuhay ay mabilis na nagsitakas ang mga ito.

Ayon sa pulisya na kilala ang mga suspek na siyang nanghoholdap sa lugar at iba pang krimen.

Show comments