Obrero tinaniman ng 19 bala sa katawan

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang 32-anyos na construction worker nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang nagla­lakad sa kanto ng CM Recto St., at C. Planas St., Binondo, Maynila.

Nagtamo ng 19 bala sa katawan ang biktima na kinilalang si Robert Espanola, residente ng no. 1556 Almario St., Dagupan Tondo.

Nasugatan at ginagamot sa Mary Johns­ton Hospital ang vendor na si Julie De Ramos, 42, ng 45 Area H, Gate 54 Parola, Binondo, Maynila nang tamaan ng ligaw na bala.

Batay sa ulat, dakong ala-1:55 ng madaling araw ay  naglalakad  ang biktima sa nasabing lugar nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek at ang ilang bala ay tumama sa vendor na si De Ramos.

Hinala ng pulisya na matindi ang galit ng hindi pa kilalang suspek sa biktima dahil sa inubos ang bala sa katawan nito.

Show comments