Laban ni Pacquiao gawing ‘National No Brownout Day’

MANILA, Philippines - Gawing “National No Brownout Day” ang araw ng laban ni Rep. Manny Pacquiao at Floyd Mayweather sa Mayo 3.

 Ito ang hiling ni Senador Ralph Recto sa mga energy officials na tiyakin na walang magaganap na brownout.

Ayon kay Recto, tiyak na magiging ‘punching bags’ ng galit ng taumbayan ang gobyerno kung magkakaroon ng power interruption sa inaabangang laban ng Pambansang Kamao.

Iginiit ni Recto na dapat gamitin ng executive branch ang emergency powers na inaasahang ipagkakaloob ng Kongreso upang tiyakin na hindi magkakaroon ng brownouts sa darating na summer lalo na sa Mayo 3.

Naniniwala si Recto na may sapat na kapangyarihan at pondo ang gobyerno para tiyaking walang brownout hindi lamang sa Mayo 3 kundi hindi sa buong summer.- Malou Escudero-

 

Show comments