MANILA, Philippines - Tanging katotohanan lang ang isinagot ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na base sa kanyang mga nabatid sa pangyayari noong Enero 25 sa Mamasapano, Maguindanao.
“I did not at anytime commit what you are implying in your statement Madam Senator,” sagot ni Roxas sa pagpupumilit ni Sen. Nancy Binay na dapat ay katotohanan lamang ang sabihin niya kung sino ang may responsibilidad na nagsabi ng Mamasapano incident kay Pangulong Benigno Aquino III.
Sa ikalimang pagdinig ng Senado sa pangunguna ni Sen. Grace Poe kamakalawa, inusisa ng mga senador ang mga pag-uusap sa pagitan ng mga iba’t ibang personalidad at ng Pangulo.
“Masasabi lang namin sa Pangulo kung ano lang ang nalalaman namin,” diin ni Roxas sa senadora na waring may ibang ipinahihiwatig.
“I did not in anything commit what you are implying in your statement.”
Nauna rito, tiniyak ni Roxas na mahigpit na nagkakaisa ang Philippine National Police at ang Armed Forces of the Philippines sa kabila ng sisihan sa nangyari sa Mamasapano, Maguindanao.- Joy Cantos-