MANILA, Philippines – Nais ni Zamboanga Rep. Celso Lobregat na suspendihin ang implementasyon ng Motorcycle Helmet Act 2009, Ito ay dahil sa pagtaas ng krimen na kinasasangkutan ng motorcycle riding- in-tandem.
Anya, lubhang nakakaalarma ang patuloy na pagtaas ng mga kriminalidad tulad ng pagpatay gawa ng mga motorcycle rider.
Batay sa 2014 report ng PNP mahigit sa 3,000 krimen ay dahil sa kagagawan ng motorcycle rider.
Nais ng kongresista na isang taong suspendihin ng naturang batas at maaaring palawigin sa depende sa rekomendasyon ng mga lokal na opisyal.
Sa kanyang House Bill 4438 na nagpapahirap sa mga otoridad ang pagresolba sa mga krimen dahil nakasuot ng helmet ang mga suspek.
Bagamat nakasaad sa RA 10054 o ang motorcycle helmet act of 2009 ang kahalagahan ng protective gears tulad ng helmet para maproteksyunan ang motorcycle riders ay kinukunsidera naman ng panukala ang seguridad at kapakanan ng publiko mula sa mga kriminal na sinasamantala ang batas para maitago ang kanilang mga mukha.