Pulis pinagbabaril ng 2 vendor

MANNILA, Philippines - Malubhang nasugatan ang biktimang si PO1 Ramoncito Sa­bido, 25 ng Police Community Precinct (PCP)-1 ng Parañaque City Police matapos na pagbabarilin ng dalawang lalaking tindero kamakalawa ng gabi sa lungsod.

Ang biktima ay nagtamo ng apat na tama ng bala ng kalibre 45 baril sa kanang binti at sa braso.

Nabatid na nagpapatrulya ang biktima kasama si PO1 Christopher Bangad dakong alas-9:55 ng gabi sa tapat ng isang fast food chain sa Redempto­rist Road, Barangay Bac­laran ng nasabing lungsod nang ito ay pagbabarilin.

Show comments