Tatay hinihintay ang anak sa iskul, pinatay

MANILA, Philippines - Isang miyembro ng Dasmarin?as Action Team ang binaril at napatay ng hindi pa kilalang suspek habang hinihintay ang paglabas ng anak sa eskwelahan kamakalawa ng gabi sa Brgy.San Simon, Dasmarin?as City, Cavite.

Ang nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo ay kinilalang si Mario Almacen, 56, may-asawa, residente ng Blk M1, Lot 5, Brgy. Sta Cristina 2 ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi sa tapat ng Dasmarin?as East National High School ay hinihintay ng biktima ang paglabas ng anak na si Eugene Shane Almacen ng isang kotseng puti ang tumapat sa biktima at walang sabi sabing pinagbabaril ito sa likod at ulo bago mabilis na tumakas.

Show comments