Brodkaster utas sa ambush

MANILA, Philippines – Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang radio brodkaster matapos na ito ay pagbabarilin ng isang lalaki na sakay ng motorsiklo kahapon ng umaga sa harapan ng kanilang radio station sa Tagbilaran City, Bohol.

Ang nasawi ay kinilalang si Engineer Maurito Lim, brodkaster sa DYRD radio station sa nasabing lungsod.

Batay sa ulat na natanggap ni Supt. Joie Pacito Yape, spokesman ng Bohol Provincial Police Office na bandang alas-10:45 ng umaga ay  nakatayo ang biktima sa tapat ng radio station nang biglang sumulpot ang suspek na sakay ng motorsiklo at walang kaabog-abog na pinagbabaril ito.

Nang masigurong napuruhan ang biktima ay tumakas ang suspek patungo sa hilagang direksyon ng Brgy. Inting ng nasabing lungsod.

Nagawa pang maisugod ang biktima sa Go­vernor Celestino Gallares Hospital pero binawian rin ito ng buhay dakong ala-1:15 ng hapon.

 

Show comments