MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 24-anyos na binata habang malubhang nasugatan ang kanyang ama matapos na sumalpok ang kanilang sinasakyang van sa isang puno ng mahogany kamakalawa sa kahabaaan ng Andaya National Highway, Brgy Nagkalit, Magais 2, Del Gallego, Camarines Sur.
Ang nasawi ay kinilalang si Mongen Mondroid, dahil sa pagkatama ng ulo habang ang kanyang ama na malubhang nasugatan ay si Wilfredo, 56.
Batay sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon ay minamaneho ng matandang Mondroid ang L-300 van (TYQ-158) nang magkaroon ng problema sa manibela at sa bilis na takbo ay hindi na nagawang iwasan ang puno ng mahogany kaya’t sumalpok ito.- Francis Elevado-