2 estudyante minolestiya ng bading na guro

MANILA, Philippines - Ipinagharap ng kasong act of lasciviousness ang isang bading na guro matapos nitong molestiyahin ang dalawa nitong menor de edad na estudyanteng lalaki sa Pagbilao, Quezon.

Dumulog sa himpilan ng pulisya  ang mga biktimang itinago sa mga pangalang Sam at John, kapwa 16-anyos upang ipagharap ng reklamo ang suspek na itinago naman sa pangalang Alfred, isang guro sa math at residente ng Pagbilao, Quezon. 

Ayon sa mga biktima inilihim nila ang insidente sa kanilang mga magulang dahilan iniipit umano ng suspek ang mga marka ng kanilang mga grado.

Napilitan lang na maipagtapat sa kanilang mga magulang ang insidente na dumulog sa mga otoridad upang ireklamo ang guro dahilan nagtatangka na naman umano ito ng masama sa kanila.

 

Show comments