MANILA, Philippines – Namatay noon din ang 4-anyos na si China Cumada nang aksidenteng sumabog ang isang bote ng alak na may lamang chlorine naganap kamakalawa sa Brgy. Managok, Malaybalay City, Bukidnon.
Ayon kay Inspector Jiselle Longakit, Spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 10, bandang alas-9:00 ng umaga ay kasalukuyang nagsasampay ng damit ang ina ng bata na si Jenilyn Comad, 42, nang makarinig ito ng malakas na pagsabog mula sa loob ng kanilang bahay.
Mabilis na pumasok ang ginang at nakita ang duguang anak na nagtamo ng malalim na sugat sa leeg habang nasa tabi naman nito ang basag na bote ng alak na pinaglagyan ng chlorine na may halong mainit na tubig.