MANILA, Philippines – Nauna na si Senador Alan Peter Cayetano sa pagbawi ng suporta sa Bangsamoro Basic Law at ito ay sinundan kahapon ni Senador JV Ejercito matapos ang ginawang pag masaker ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF).
Inihayag ni Senator Joseph Victor “JV” Ejercito ang pagbawi niya sa kanyang lagda bilang co-author ng panukalang Bangsamoro Basic Law na pinaniniwalaang maghahatid sana ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
“I am withdrawing my signature as a co-author of the Bangsamoro Basic Law as a result of this carnage. My heart bleeds for our policemen who were mercilessly killed,” ani Ejercito.
Kinondena rin ng mga senador ang nasabing insidente sa gitna ng pagsusulong ng pamahalaan na magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao.