5 biktima ng bagyong Ruby, nanalo sa Beer drinking contest

MANILA, Philippines - Idineklarang pinakamalakas tumoma ang limang residente ng Sitio Bato, Borongan, Eastern Samar na pawang biktima ng bagyong Ruby  nang mapanalunan ang katatapos lang na ika-15 edisyon ng San Miguel Brewery National Beer Drinking Contest.

Aabot sa P250,000 premyo ang naiuwi nina Jovencio Alcido, Jr., Charlie Katalbas, Ronnel Cananua, Benjamin Bagas at Fortunato Cananua, ng makaraang daigin ang nasa 300,000 beer drinkers buhat sa 20,000 barangay sa buong bansa.

Sa kanilang opisyal na oras, nakuha ng grupo ang 48:81 drinking speed upang daigin ang 50:01 speed ng mga kinatawan buhat sa Brgy. Parang, Marikina sa Pale Pilsen category.

Nag-uwi rin  ng P250,000 premyo ang mga nagwagi sa Red Horse Beer category mula sa Brgy. Masikap, Puerto Princesa City; habang P50,000 prem­yo naman ang naiuwi ng mga nanalo sa San Mig Light category mula sa Caloocan City; at Flavored Beer category mula sa Maynila.

 

Show comments