Seguridad sa Zambo, pinaigting

MANILA, Philippines - Kasunod ang pagpapasabog ng sasakyan sa Zamboanga City na ikinasawi ng dalawa katao at sumugat ng may 54 iba pa noong nakaraang Biyernes ay pinaigting ng Armed Forces of the Philippines ang seguridad sa lungsod.

Nagdagdag na ng mga military checkpoints habang patuloy ang isinasagawang pagsisiyasat na ginagawa ng Philippine National Police sa nasabing pagpapasabog.
Magugunita na noong Biyernes naganap ang pagsabog ng sasakyan sa isang mataong bus terminal at  iniuugnay na ang grupong Abu Sayyaf ang may kagagawan dahil kamakailan ay nagtangkang i-rescue ang isa sa kanilang mga miyembro sa piitan.

 

Show comments