Nang-asar na, pumatay pa

MANILA, Philippines - Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang barangay tanod nang saksakin ng kabaro nito kamakalawa ng  gabi sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi dahil sa dalawang saksak sa dibdib ay kinilalang si Alier Apa­ris, 49, ng  No.04 Romana Ext.  Tondo, Maynila.

Tumakas naman ang suspek na si Hapelito Obrique, alyas Jun, 40.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-8:00 ng gabi sa kahabaan ng Romana Ext. kanto ng Roxas St., Tondo ay nagtitinda ang biktima ng alkansiya kapag hindi siya duty bilang tanod nang lapitan ng suspek na noon ay la­sing sa alak at inasar ito.

Nagkaroon ng pagta­talo ang dalawa hanggang sa maghiwalay, subalit ilang minuto ay rumesbak ang suspek at sinaksak ng dalawang beses ang biktima sa dibdib.

Show comments