3 NPA rebels todas sa bakbakan

MANILA, Philippines - Napatay ang tatlong miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) habang lima pa ang nasugatan nang makasagupa ang tropa ng militar sa bulubundu­king bahagi ng Brgy. Mat-i, Surigao City, kamakalawa.

Batay sa ulat ni Brig.Gen. Jonathan Ponce, Commander ng Armys 402nd Infantry Brigade, dakong alas-10:00 ng umaga nang makasagupa ng 4th Infantry Division (ID) ang grupo ng mga rebeldeng NPA sa lugar.

Agad nagkaroon ng bakbakan na tumagal ng 15 minuto na ikinasawi ng tatlong rebelde na binitbit sa pagtakas ng kanilang mga kasamahan habang lima ang mga nasugatan.

Ang mga nakasagupang rebelde ay siyang responsable sa panununog ng mga heavy equipment na pag-aari ng isang negosyante sa Brgy. Mabini ng lungsod kamakailan na  pinamumunuan ni Pablo Logamitan alyas Ka Lucas ng Sangay sa Partido Pampropaganda ng  Guerilla Front ng North Eastern Regional Committee (NEMRC). - Joy Cantos-

 

Show comments