Papal visit generally peaceful

MANILA, Philippines - Idineklara ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na generally peaceful ang limang araw na pagbisita sa bansa ni Pope Francis.

Ang PNP at AFP na kapwa nagtaas ng red alert status ay nagbuhos ng 43,000 tropa para tiyakin  ang seguridad at mapayapang sitwasyon sa panahon ng pananatili ng Santo Papa na umalis na kahapon ng umaga sa bansa pabalik sa Roma.

Sinabi nina AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr., at PNP Officer in Charge P/Deputy Director Leonardo Espina na naging matagumpay at mapayapa sa pangkalahatan ang 5 day papal visit mula Enero 15 hanggang sa pag-alis ni Pope Francis at ng entourage nito kahapon dahilan sa koope­rasyon ng lahat ng mga Pinoy partikular na ang mga deboto.

 

Show comments