Cavite medical mission

MANILA, Philippines – Naghahanap sina Se­nator Nancy Binay, Cavite Governor Jonvic Remulla at medical vo­lunteer group na Faces of Tomorrow (FOT), na mga batang may cleft lip/palate na nakatira sa lalawigan ng Cavite at kalapit na lugar para sa libreng   surgical at dental mission simula Jan. 18-23, 2015 sa Trece Martires City, Cavite.

Nagsisimula na ang screening ng mga pas­yente sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital, Trece Martires City at ito ay pinalawig hanggang Miyerkules (Enero 21).

Sa iba pang impormasyon ang sinumang partido ay maaaring tawagan si Dr. Evol Salazar mula 8 a.m. -5 p.m sa nasabing ospital o sa (046)-419-1713 hanggang 16.

 

Show comments