No. 2 most wanted sa Cavite, napatay

MANILA, Philippines – Napatay ng mga otoridad sa shootout ang isang lalaki na umano ay no. 2 most wanted na si Carlo Nolasco, alyas Boknoy kamakalawa sa Brgy. San Francisco Tropical Village, Gen. Trias, Cavite.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw ay nagpapatrulya ang mga pulis sa lugar nang mamataan ang suspek.

Nang sitahin ay biglang bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga pulis na sa kabutihang palad ay walang tinamaan.

Nagkaroon ng palitan ng putok ang magkabilang panig at tinamaan ang suspek.

Ang suspek ay nasa talaan ng no. 2 most wanted person na may standing warrant of arrest sa kasong robbery with homicide, two counts of robbery with violence.

Show comments