Trader tinodas sa harap ng pinapagawang bahay

MANILA, Philippines – Isang negosyante ang nasawi nang barilin ito ng isang lalaki sa harap ng pinapagawa niyang bahay sa Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Randy Sapida, 35, may-asawa, ng Blk 8, Lot 1 & 2 Green Square Subdivision Villas, Brgy. Mambog 1 ng nasabing lungsod.
Sa ulat, dakong alas-8:45 ng gabi ay nasa labas ng kaniyang ipinapagawang bahay ang biktima at nang lapitan ito ng suspek ay saka pinagbabaril.

Nang matiyak ng suspek na patay na ang biktima ay kaswal lang itong naglakad palayo sa crime scene.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo at suspek sa krimen.

Show comments