MANILA, Philippines - Isang mister ang nagpaalam muna sa kanyang misis sa chat na magpapakamatay ang natagpuang nakabigti sa kanyang silid sa Indang, Cavite.
Natagpuang nakabigti dakong alas-11:00 ng gabi sa loob ng kanyang kuwarto ang biktimang si Rizalde Rolle, 47, ng Indang, Cavite.
Huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-8:00 ng gabi na kung saan habang nakikipag-inuman ay abala rin ito sa pag-chat sa misis nito na nasa Taiwan.
Nakita sa chat history sa kaniyang misis na nagsabi ito na magpapakamatay at sinabihan ng biktima ang una na huwag magpunta sa lamay.
Nagbigti rin ang 36-anyos na si Grace Ontolan, ng Fernando St., Brgy. Marulas, Valenzuela City matapos na makatalo ang kanyang live-in partner nitong si Robert Habolin kamakalawa ng gabi dahil sa hindi nababayarang utang nila sa tindahan.
Hindi naman umano makayanang sakit sa puso at matinding depresyon ang dahilan ng pagbibigti ng biktimang si Antonio Limsiengco, 76, biyudo, ng no. 2547 Sulu St., Sta. Cruz, Maynila dakong alas-2:30 ng hapon.