Koreano binoga sa ulo, utol nagbaril

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang Koreano nang magbaril sa sarili matapos barilin sa ulo ang kapatid kamakalawa ng gabi sa Dasmariñas City, Cavite.

Ang nasawing suspek ay kinilalang si Un Sang Choi, 52, ng Room 4 Saving Grace Dormitory, Blk. 30, Lot 2, Delaware St., kanto ng Alaska St. Manuela Ville Subd. Brgy. Burol Main.

Nasa kritikal na kalagayan sa De La Salle University Medical Center ang biktimang si Insang Choi, 51, ng Blk. 7, Lot 35, 73rd St. Metrogate, Brgy. San Agustin II.

Sa ulat dakong alas-10:00 ng gabi sa tinutuluyang kuwarto ng suspek ay binaril nito ang kapatid ng dalawang ulit sa katawan.

Nang bumulagta ang kapatid ay saka nagbaril ito sa ulo na agad niyang ikinamatay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pagbaril ng suspek sa kapatid.

 

Show comments