‘Isip-bata’ tinodas ng pulis

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang lalaki na ‘isip-bata’ o mentally retarded nang ito ay barilin ng pulis sa pag-aakalang sasaksakin ng dala nitong banana que stick kahapon sa Pandacan, Maynila.

Ang nasawi dahil sa dalawang tama ng bala sa dibdib ay kinilalang si Ryan Generoso, 23, ng no. 1946 Gonzales St., Pandacan, Maynila.

Tumakas naman ang suspek na si PO2 Arturo Coronel, nakatalaga sa Labores Police Community Precinct (PCP) na sakop ng Manila Police District-Station 10.

Sa inisyal na ulat dakong alas-2:45 ng  hapon sa tapat ng isang klinika malapit sa barangay hall sa Quirino Avenue, Pandacan ay may hawak ang biktima ng banana que stick at sinugod ang pulis sa hindi pa malamang kadahilanan.

Agad na binaril ng pulis sa dibdib ang biktima at nang hindi napuruhan ay muli itong binaril na naging dahilan ng kamatayan nito.

Show comments