Dalawang beses binaril sa ulo... Tserman inutas sa brgy. hall

MANILA, Philippines – Mismong sa loob ng barangay hall pinagbabaril ang isang barangay chairman ng isang lalaki naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy, Bayan Luma 2, Imus City, Cavite.

Nasawi noon din ang biktima na si Sultan Wahid Micawayan Saliling, 39, tubong Mindanao, chairman ng nasabing barangay.

Nakilala ang gunman na si Jammy Jamael Macaborod alias Amboy, 30, tubong Lanao Del Norte, DVD vendor sa Imus Public Market at residente ng lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi ay ka­salukuyang nasa loob ng ba­rangay hall ang biktima nang dumating ang suspek at nang makita ang biktima ay agad itong binaril ng dalawang beses sa ulo.

Nang bumulagta ang biktima ay mabilis na tu­makas ang suspek at sumakay sa naghihintay na motorsiklo na binabantayan ng dalawang lalaki na nagsisilbing lookout sa labas ng barangay hall.

Narekober ng pulisya ang dalawang basyo ng bala ng kalibre 45 baril.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa mo­tibo ng pagpatay ng suspek sa biktima.

Show comments