Trike driver, utas

MANILA, Philippines - Isang   24-anyos na  tricycle driver ang pinaslang ng ‘di pa kilalang gunman habang kaangkas ang dalawang anak at live-in partner,  sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang si Aldrin Barniebo, residente ng Block 2 Habitat, Baseco Compound, Port Area, ay  idineklarang dead-on-arrival sa  Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center dahil sa tinamong isang tama ng bala sa dibdib.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 9:24 ng gabi nang maganap ang pamamaril  sa Bonifacio Drive panulukan ng 11th St., Port Area.

Pahayag ng live-in partner na si Lorena Diocton, kasama sila sa pamamasada ng biktima at nang ibaba ang pasahero sa nasabing  lugar ay biglang may lumapit mula sa kanilang likuran at binaril ang biktima sa dibdib at saka naglakad lang papalayo ang suspek.

Hindi pa tukoy ang motibo at suspek sa krimen na kasalukuyan pang iniimbestigahan.

Show comments