Ika-11 preso na pumuga sa Cubao police station, nadakip

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga otoridad kahapon ng umaga ang pang-11 preso na tumakas sa detention cell ng Quezon City Police District station 7 Cubao noong bisperas ng Bagong Taon.

Ang nadakip na preso ay kinilalang si Roland Araneta na may kasong robbery hold-up.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga nang maaresto ng mga tauhan ng QCPD sa Taytay,  Rizal si Araneta sa kanyang pinagtataguan.

Sa 16 preso na pumuga 11 sa mga ito ang nadakip kabilang sina Robert Lacaba, na may kasong alarm and scandal; Benedict Guinto, City Ordinance 5121; Rigor Alejandrino, theft/shoplifting; Thomas Eval Labutong, City Ordinance 5121; John Patrick Dionido, rape and robbery; Emerson Castro, frustrated homicide; Miguel Glino, City Ordinance 5121; Dennis Natividad, City Ordinance 5121, Roberto Valdez, robbery/akyat bahay at John Sicat, na may kasong physical injury.

Show comments