Iniwan ng misis nag-dive sa kamatayan

MANILA, Philippines – Posibleng hindi umano matanggap ng isang 32-anyos na mister ang ginawang pag-iwan sa kanya ng misis kung kaya’t tumalon ito sa tulay kamakalawa sa Brgy. San Francisco, Camaligan, Camarines Sur.

Ang biktima na natagpuang palutang-lutang sa Bicol River ay nakilalang si Marvin Delos Santos, ng Brgy. Triangulo, Naga City, Camarines Sur.

Ayon kay Gomer,  noong Enero 1 ng umaga ay huli niyang nakita ang  kanyang kapatid na nagla­lakad sa tabi ng Panganiban Bridge na matatagpuan sa Panganiban Drive nang bigla na lamang sumampa ito sa tulay at tu­malon.

Agad na humihingi ng saklolo si Gomer, su­balit dahilan sa lakas ng agos sa Bicol River ay nilamon at tinangay ang biktima.

Pagkalipas ng dalawang araw ay natagpuan ang biktima dakong alas-11:30 ng umaga na palutang-lutang sa ilog sa karatig barangay.

Show comments