3 bomber naaresto sa Zamboanga

MANILA, Philippines – Naaresto ng pulisya kamakalawa ng gabi sa sa Zamboanga City ang tatlong lalaki na pinaghihinalaang notoryus na bombers.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Marcel Jumadil; Jumadan Dassan, 40 at Alshirif Sabdani, 41.

Sinabi ni Zamboanga City Police Director P/Sr. Supt. Angelito Casimiro na dakong alas-8:50 ng gabi nang arestuhin ng pulisya ang tatlo matapos ang pagsabog sa Princess Massage Parlor at Videoke Bar sa kahabaan ng Tomas Claudio Street ng lungsod.

Positibong itinuro ng mga testigo ang tatlong suspek na nakita sa nasabing establisyemento bago ang pagsabog ng Improvised Explosive Device (IED).

Unang nasakote si Jumadil habang patakas sa lugar habang ang dalawa pa ay inaresto sa isang follow-up operation matapos ikanta ng una.

Sa nasabing pagsabog ay wala namang naiulat na nasugatan at nasawi sa insidente bagaman lumikha ito ng matinding tensyon sa mga kustomer.

Show comments