Misis kritikal... Pastor dedo sa salpok

MANILA, Philippines - Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 43-anyos na Amerikanong pastor habang ang misis nito ay malubhang nasugatan matapos ang sinasakyan nilang SUV ay sumalpok sa puno ng mangga sa kahabaan ng kalye ng Km. 9, Barangay Pacol, Naga City kamakalawa.

Ang nasawi ay kinilalang si Andrew Evan Pearce, 43, American citizens, pastor/guro ng Naga View Adventist College. Habang ang misis nito na nasa malubhang kalagayan ay si Cecilia Mendoza-Pearce, 46.

Sa ulat, dakong alas-3:50 ng hapon ay sakay ang mag-asawa sa Hyundai Sta. Fe (VED-681) at binabagtas ang kahabaan ng kalsada nang sila umano ay nag-overtake sa isang sasakyan na naging dahilan para mawalan ng kontrol sa manibela at sumalpok sa puno ng mangga.

Show comments