MANILA, Philippines – Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang ginang habang nasugatan ang 3-anyos nitong anak matapos na sila ay ataduhin nang saksak ng dati nitong lover naganap kamakalawa sa Queensrow Subdivision, Bacoor City, Cavite.
Ang nasawi ay kinilalang si Mylene Justiniani 31, ng Blk. 20, Lot 30 Sampaguita St., Brgy. Queensrow West, Bacoor. Habang ang anak nitong si Jack Dondoyano, 3, ay nasugatan.
Ang suspek na tumakas ay nakilalang si Alvin Dondoyano nasa hustong gulang, driver ng multicab at residente ng Brgy. Queensrow East.
Batay sa ulat, sakay ng motorsiklo ang mag-ina nang sila ay parahin ng suspek para mag-usap tungkol sa naririnig nitong tsismis na may bago itong manliligaw.
Pinabulaanan ito ng ginang na hindi pinaniwalaan ng suspek hanggang sa magkaroon ng matinding pagtatalo na nauwi sa pisikal.
Napahiya ang suspek sa mga nakakita kung kaya’t kinuha nito ang nakatagong patalim at sinaksak ang mag-ina.
Nabatid na dating magkarelasyon ang dalawa at anak ng suspek si Alvin.