8 tinamaan ng ligaw na bala

MANILA, Philippines – Limang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon ay walong katao na ang naiuulat na tinamaan ng ligaw na bala.

Sa ulat ni Chief Supt.Wilben Mayor, Chief ng PNP Public Information Office, ang nasabing bilang ay naitala mula Disyembre 16 hanggang dakong alas-8:00 ng umaga nitong Disyembre 27 ng taong ito kaugnay ng Oplan Ligtas Paskuhan 2014 ng PNP.

Nasa 38 insidente rin  ang naitala ng PNP ay kinabibilangan ng   illegal discharge of firearms  isa sa Police Regional Office (PRO)1; isang security guard sa PRO3; dalawa sa PRO IVA, isa rito ay sibilyan at isang pulis habang sa NCRPO ay isa namang  pulis ang nasangkot.

Naitala naman sa mahigit 600 ang nasamsam na mga ipinagbabawal na paputok ng PNP sa serye ng operasyon sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Show comments