Senglot patay sa inuman

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 28-anyos na lalaki matapos na saksakin ng kanyang nakatalo sa inuman kahapon ng madaling araw sa Sta. Ana, Maynila.

Ang nasawi dahil sa tama ng saksak sa dibdib ay kinilalang si Jay-R Bautista, 28, welder at residente ng no.  1858 Oro-B, Sta. Ana, Maynila.

Nahuli agad ang suspek na si Ryan Flores, 24, binata at kapitbahay ng biktima.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-2:00 madaling araw sa labas ng bahay ng biktima at suspek ay magkabila ang  mesa na pinag-iinuman ng mga ito nang magkainitan sa topic na  “Christmas” na hindi ipinaliwanag.

Nauwi sa batuhan ang magkabilang grupo at naglabu-labo nang saksakin ng suspek ang biktima.

Show comments