Kagawad naputol ang daliri sa plapla

MANILA, Philippines - Isang barangay kagawad ang naputulan ng dulong hintuturo nang maputukan ng plapla na kaniyang pinulot habang nagkakasiyahan sa Christmas party ng kanilang barangay sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Armando Cabi­ling, 51, residente ng Barangay 33, District 1, Lakandula St., Tondo, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng bisperas ng Pasko  ay nakita ng biktima na may  isang bata na nagtapon ng nasabing paputok na hindi su­mabog.

Kumuha siya ng  tubig at binuhusan at bago sinipa, subalit nang matuksong pulutin ay sumabog ito.

Naapektuhan ng paputok ang tatlong daliri, subalit malala ang hintuturo na naputol ang bahagi ng dulong daliri.

 

Show comments