Babae pinasabog ang mukha

MANILA, Philippines – Sabog ang mukha ng hindi pa nakikilalang babae nang barilin ito kamakalawa ng gabi malapit sa construction area sa Atlanta Street, Barangay 650, Zone 68, District 5, Port Area, Maynila.

Ang biktima inilarawan ni PO2 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section na nasa pagitan ng edad 30-35, nasa 5’2 ang taas, may tattoo na Scorpion sa kanang binti at Tweety Bird naman sa likod na may nakasulat ding “Bitch Tah”.

Nakasuot ito ng puting blusa, maong na palda at naka kulay berdeng  tsinelas.

Sa salaysay ng security guard na si Abdulah Kamat, ng Asian Terminal Incorporated na bandang alas-10:05 ng gabi nang makarinig siya ng putok ng baril.

Hinanap ang pinagmulan ng putok at nakita ang biktima na  nasa kalye na nakatagilid ang pagkakabagsak, duguan sa tabi ng isang plastic barrier ng construction site.

Show comments