MANILA, Philippines – Nasugatan ang may 12 katao matapos na magsalpukan ang isang pampasaherong bus at jeep sa loading bay ng Quezon Avenue, Quezon City kahapon ng umaga.
Nabatid na apat na pasahero ng jeepney at pitong pasahero sa bus na nagtamo ng mga galos, gayundin ang isang pedestrian na dinala sa ospital.
Sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga sa loading bay ng Quezon Avenue tapat ng Fisher Mall ay paalis na ang pampasaherong jeep na minamanenho ni Feliciano Ramos sa loading bay nang biglang banggain ang kanyang likuran ngpampasaherong bus na minamaneho ni Antonio Mercado.
Ayon kay Mercado hindi umano kumapit ang preno ng kanyang sasakyan kaya’t nagdesisyon siyang idaan ito sa gutter sa gilid ng footbridge para mabawasan ang impact.
Subalit, may isang babae na kabababa lang ng footbridge ang kanyang nahagip, bago pa bumangga sa jeep.