MANILA, Philippines - Hindi umano matanggap ni Russel Lopez, nasa hustong gulang, ng J. B. Roxas St., Barangay Olympia ng naturang lungsod ang pag-ayaw sa kanya ng pamilya ng nobya kung kaya’t nagawa nitong magbaril sa sarili kahapon sa Makati City.
Namatay ito noon din dahil sa tama ng bala sa kanyang sentido sa bahay ng kaibigan nito sa Kalyaan Avenue, Brgy. West Rembo, Makati City.
Batay sa ulat, nakarinig ng putok ng baril ang kaibigan ng biktima dakong alas-4:00 ng madaling araw.