Binata tinodas katabi ang nobya

MANILA, Philippines – Isang 18-anyos na binata ang pinagbabaril ng isang lalaki habang katabi ang kanyang nobya kahapon ng madaling araw sa harap ng tindahan sa Brgy. Pasong Camachile II. Gen Trias Cavite.

Namatay noon din ang biktimang si Hadzman Abdulhan, Brgy. Bucandala, Imus, Cavite.

Sa ulat, ala-1:40 ng madaling araw ay magkasamang nagkukuwentuhan ang biktima at nobya nitong si Pamela Terante sa harapan ng tindahan nang duma­ting ang dalawang suspek at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang una.

Nang matiyak na patay na ang biktima ay tumakas ang mga suspek.

Show comments