MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay ang isang 19-anyos na lalaki nang ito ay saksakin sa kilikili ng isang 17-anyos na lalaki sa loob ng computer shop kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Salawag, Dasmariñas City, Cavite.
Ang nasawi ay kinilalang si Ranzell Mendoza, out of school youth, ng Blk. 12, Lot 45, Crystal St. Diamond Village ng nasabing barangay.
Ang suspek na dinala na sa DSWD ay itinago sa pangalang Daboy, out of school youth, ng Dasma 1, ng nasabing barangay.
Sa ulat, ala-1:30 ng madaling araw ay naglalaro ang biktima sa computer shop sa loob ng subdivision nang dumating ang suspek at walang kaabog-abog na sinapak ang una.
Mabilis na lumabas ang biktima, subalit hinabol pa rin ito ng suspek at sinaksak na tinamaan sa kilikili.- Cristina Timbang-