Globe nagdaos ng unang ‘myBusiness Day’

Nagpakuha ng  larawan ang mga executives ng Globe at ibang kumpanya sa idinaos na unang ‘myBusiness Day’ na ginawa sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

MANILA, Philippines – Nagdaos kamakailan ang Globe ng unang ‘myBusiness Day’ na nagbibigay ng inspirasyon at kapangyarihan sa mga entrepreneur at micro small and medium enterprises (mSMEs)na  idinaos noong Nobyembre 26 sa The Globe Tower sa Bonifacio Global City, Taguig.

Sa pakikipagtulungan ng Association of Filipino Franchisers Inc. (AFFI), ginawa ng Globe myBusiness ang lugar na isang  siyudad ng ‘franchising opportunities’ na tinawag na ‘Globeville’, isang one-stop shop para sa mga nagsisimula ng negosyo na itinayo, lalo na para sa mga empleyado ng Globe.

Mula sa ‘franchising opportunities’ at business ena­blers na ipinakita hanggang sa informative business talks mula sa mga ekperto.

Ang ‘myBusiness Day’ ay isang okasyon na itinakda upang maliwanagan at pagningasin ang Filipino entrepreneurial spirit.

Ayon kay Senior Vice President and Head for Globe myBusiness, Martha Sazon ang technology-based business tools na tinatawag ding ‘enablers’ at iniaalok ng Globe myBusiness ay kinabibilangan ng mobile POS system Globe Charge, cloud-based productivity suite Google Apps for Work, internet-based monitoring solution Globe myBusiness CCTV, GadgetMax postpaid plans, Globe myBusiness Broadband at Globe Education Solutions.

Ayon naman kay Globe Executive Vice President and Chief Operating Officer for Business and International Markets Gil Genio, ang SMEs ang bumubuo sa lakas ng ekonomiya na may 99% ng mga rehistradong negosyo at halos two thirds ng trabaho na nagmumula sa sektor na ito. Sa naturang okasyon, ang mga empleyado ay binigyan ng malawak na franchising investment opportunities mula sa mahigit 20 local franchise exhibitors, mula sa food, retail at service industries.

Show comments