Bawas P1 sa minimum fare ihihirit

MANILA, Philippines – Inihihirit ng isang grupo ng mga pasahero na bawasan ng piso  ang minimum fare na P8.50 na pasahe sa jeep.

Ayon kay Elvira Medina, pangulo ng National Center for Commuters Safety and Protection, maaari nang bawasan ng  piso ang pasahe lalo’t kapag bumaba pa sa trenta pesos ang kada litro ng diesel.

Ayon kay Medina, na nakipagkasundo na sa kanila ang ilang transport groups kaugnay sa bawas pasahe na magiging P7.50 kapag tuluyan pang bumaba ang presyo ng krudo.

Show comments