MANILA, Philippines – Dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang dalawang sundalo na nagbabantay sa isang banana plantation na ino-operate ng Sumifru, isang Japanese company sa Brgy. San Roque, New Corella, Davao del Norte kahapon ng madaling-araw.
Ang mga dinukot ay kinilalang sina Corporal Benjamin Samano at Pfc. Mark Alvin Ricarte; pawang mga tauhan ng Army’s 60th Infantry Battalion (IB) na pinamumunuan ni Lt. Col. Roberto Bunagan Jr.
Ayon kay Major Gen. Eduardo Año, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang dukutin ang mga biktima habang nagbabantay sa Sumifru Banana Plantation na pagmamay-ari ng isang ng Japanese firm sa lalawigan ng nasa 15 rebelde na nagpanggap na mangagawa ng banana plantation.
Kinomander ng mga rebelde ang Elf truck (PKB 360) ng kumpanya at isinakay ang dalawang sundalo patungo sa direksyon ng Brgy. Napungas, Asuncion sa naturang lalawigan.