2 mister na hiniwalayan ng kanilang mga misis, nagbigti

MANILA, Philippines – Posibleng hindi umano matanggap ng dalawang mister ang pag-iwan sa kanila ng mga misis kung kaya’t tinapos ng mga ito ang kanilang buhay sa magkahiwalay na insidente nang pagbibigti sa Malabon City at Tondo, Maynila.

Sa Malabon City, kinilala ang nasawing si Rommel Habig, 23, ng F. Nicolas St., Brgy. Niugan na natagpuan dakong alas-12:45 ng gabi na nakabigti ng kanyang kapatid na si Mira Ann sa kisame ng bahay.

Ganito rin ang ginawa ni Christopher Ventura, 37, ng Bulacan St., Tondo, Maynila na natagpuang nakabigti kahapon ng alas-6:35 umaga sa loob ng kanilang  bahay na labis din na dinamdam ang pag- iwan ng kanyang misis at sumama sa isang jeepney driver.

Show comments