Sundalo utas, 6 sugatan sa ambush

MANILA, Philippines – Isang Army troo­per ang nasawi habang anim pa ang nasugatan nang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kamakalawa ng alas-10:00 ng gabi sa  Brgy.  Tetep-An, Sagada, Mountain Province.

Sa ulat ni Captain Randy Sta. Maria, Spokesman ng Army’s 5th Infantry Division na katatapos lamang ng mga sundalo sa isinagawang Youth Leadership Summit (YLS) sa Sagada National High School nang paputukan ng mga armadong rebelde.

Sa unang bugso nang pagpapaulan ng bala ay agad tinamaan ang isang sundalo na binawian ng buhay.

Sa kabila ng sorpresang pag-atake ay agad nagmaniobra ang iba pang mga sundalo na nakipagpalitan ng putok sa mga rebelde na umatras din bitbit ang sugatan nilang kasamahan.

Show comments