2 most wanted ng Taguig, nadakip

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng batas ang tinaguriang no.2 at no.7 na most wanted criminal sa isinagawang operasyon sa Taguig City, kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Cesar Lu­mabad at Elmer Manaog, kapwa nasa hustong gulang.

Sa ulat, alas-11:00 ng gabi ng unang nadakip si Lumabad ng mga kagawad ng Warrant and Subpoena Section ng Taguig City Police  sa Perfecto Drive Aguhan 1, Barangay Bagumbayan ng naturang lungsod sa bisa ng outstanding warrant of arrest na inisyu ng Taguig City Regio­nal Trial Court (RTC), Branch 271 sa kasong murder at isa pa ring warrant of arrest na inis­yu naman ng Branch 74 dahil naman sa kasong attempted homicide. 

Naaresto rin si Manaog sa naturang lugar dahil sa mga kaso nitong homicide at attempted homicide sa bisa naman ng mga warrant of arrest na inisyu rin ng naturang mga sala.

Show comments