P-Noy binati si Pacman

Halos hindi magkamayaw ng sigawan ang mga nanonood ng laban ni Pacquiao at Algieri kahapon sa isang libreng palabas sa Rasac Gymnasium sa Sta.Cruz, Maynila kahapon. Edd Gumban

MANILA, Philippines – Binati ni Pangulong Benigno Aquino lll si pambansang kamao at Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa panalo nito laban kay Chris Algieri sa kanilang laban kahapon sa Macau, China.

Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., kaisa ng sambayanan ang Malacañang sa pagdiriwang sa muling panalo ni Pacquaio matapos nitong mapanatili ang kanyang welterweight belt laban kay Algieri.

Muli anyang, ipinamalas ni Pacquiao ang kanyang husay sa boksing matapos nitong talunin si Algieri via unanimous decision sa kanilang 12-round fight.

Nabatid na sa kainitan ng laban ay mistulang mu­ling tumigil ang oras sa Metro Manila dahil sa walang naganap na trapiko.

Sa datos ng Metro Manila Traffic Navigator ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), muling nakapagtala ng “light traffic (green line)” ang buong kahabaan ng EDSA mula Balintawak hanggang Roxas Boulevard at diretso sa Macapagal Avenue at iba pang mga pangunahing lansangan.

Show comments