Apela ng UNA sa Miss Earth organizer... Beauty contest ‘wag idaos sa island resort ni Mercado

MANILA, Philippines - Huwag ganapin ang isa sa mga aktibidad nito sa isang island resort na pag-aari umano ni dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado.

Ito ang panawagan at apela ni United Nationalist Alliance (UNA) interim president Toby Tiangco sa mga organizer ng Missh Earth international pageant.

Sa sulat nito kina Ramon Monzon at Lorraine Schuck ng Carousel Production na meron siyang reserbasyon sa pagdaraos ng event ng Ms. Earth International sa 100 ektaryang Coron Underwater Garden Resort sa Palawan sa Nobyembre 23-25 dahil sa posibleng implikasyon ng pagdaraos ng aktibidad sa naturang lugar.

“Makakabuti kung pag-iisipan ng Carousel Productions ang pagdaraos ng Miss Earth 2014 event sa naturang resort para mapangalagaan ang reputasyon ng timpalak pagandahan at ng Miss Earth franchise,” sabi ni Tiangco na isa ring kinatawan ng Navotas sa Kongreso.

Ipinaliwanag ni Tiangco na ang natu­rang resort ay iligal umano na nakuha ni Mercado sa pamamagitan ng iligal na paraan at bahagi ng tagong kayamanan ng dating vice mayor.

Una nang hiniling ni Tiangco sa Senado at sa Bureau of Internal Re­venue na magsagawa ng lifestyle check kay Mercado at sa pamilya nito kaugnay ng kanilang mga ari-arian sa bansa at sa ibayong-dagat.

Ang mga ari-arian ay nasa pangalan umano ng asawa at mga anak ni Mercado, children-in-law, at mga kapatid para itago ito sa batas.

Bukod sa resort, kabilang pa sa mga ari-arian ni Mercado ang  multi-million villa-resort Villa Juanita sa Coron, Palawan; 1-hec­tare Grand Villa Pateros sa Bgy. Aguho, Pateros; JMK Professional Manpower Solution Inc. na nakapangalan kina Juanita Mercado at Karla Pascual Mercado; 200-hectare Grand Villa and Butterfly Center sa Bae, Laguna; 500-hec­tare Hunter Valley Plantation and Resort sa Cabanatuan, Nueva Ecija; Nitz Face & Body Care Center sa Bgy. Aguho, Pateros; Lawndale Finance Company (LFCI) sa Cabanatuan City; St. Therese Multi-Specialty Services Inc. sa Makati City; Properties sa West Rembo, Makati City at Laur, Nueva Ecija; Poultry farm sa Palayan, Nueva Ecija at marami pang iba.

 

Show comments