DLSU student nilundag ang kamatayan

MANILA, Philippines – Lasog ang katawan at basag ang bungo ng isang Filipino-German citizen na graduating student ng De La Salle University (DLSU)-Manila matapos na tumalon mula sa ika-25 palapag ng isang hotel sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay nakilala sa pamamagitan ng ID na nakuha sa katawan nito na si John Michael Lingad, 26, ng no. 29 Mystic Rose Drive, Quezon City.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pagtalon ng biktima dakong alas-11:10 ng gabi sa nasabing palapag ng hotel na matatagpuan sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City ay nag-check-in muna ito dakong alas-5:45 ng hapon at inokupahan ang Room No. 2510.

Subalit, ng nasabing oras ay nakarinig ng malakas na kalabog ang security guard ng hotel na si Marlon Padilla at nang puntahan ang lugar na pinanggalingan ng kalabog ay nakita ang duguang katawan ng biktima.

Sa pagsisiyasat ng mga otoridad na walang nakita na may naganap na foul play at sadyang nagpakamatay ang biktima.

Sa lugar ay nakita ng mga otoridad ang isang notepad na may logo ng hotel, at dito ay isinulat ng biktima ang mga katagang, “Feb. 14, 2014 I wish to go back to those times.” na may nakapatong na larawan ng isang Pinay. Nabatid na ang mg magulang ng biktima ay nakatira sa US.

Show comments